Huwebes, Hulyo 20, 2017

Ang Kultura at Tradisyon Sa Pilipinas

    Ang Pilipinas ay may 7,641 na pulo sa kabuuan nito. Ang Pilipinas ay magtatagpuan sa Timog-Silangang Asya at ito ay nahahati sa tatlong bahagi at ito ang Luzon,Visayas at Mindanao.

May labing walong rehiyon at ito ay napapalibutan ng anyong tubig.

ayon sa mga Archeologist ang mga unang nanirahan dito sa Pilipinas ay ang mga Taong Tabon, sabi naman ng iba ang una raw sa Pilipinas ay ang Negrito,Indones, At malay.

Si Ferdinand Magellan ang unang dayuhan na nakatungtong sa lupain ng pilipinas.

ang Salitang PILIPINAS ay nagmula sa Pangalan ng Hari sa Espana na Si King Philip II, at tayo'y nasakop ng mga Kastila sa Loob na mahigit sa 300 daang taon. 

Ng tayo ay nakalaya sa mga kastila, sinakop naman tayo ng mga Amerikano, sunod ang mga hapon, nagsanib ng lakas ang mga Amerikano at Ang mga Pilipino ngunit nanaig ang mga Pilipino.

Kaya't naghalo halo ang mga tradisyon at kultura ng Kastila,Amerikano, hapon, at Pilipino.





Ang Pilipinas ay may sari-saring Kultura at Tradisyon na nagmula sa mga dayuhang sumakop sa ating bansa at ito ang mga sumusunod:


Ang isa sa mga kaugalian ng isang Pilipino ay Pagiging:



MAKADIYOS O RELIHIYOSO

Ang mga Pilipino ay likas na Relihiyoso dahil sa paniniwala nila sa Diyos at dahil narin sa Impluwensya ng kastila. Ang pagiging madasalin ng Pilipino ay nagpapakita ng malakas na pananampalataya sa Diyos. Nagsisimba tayo sa araw ng linggo upang makinig sa mensahe ng Diyos. Nagbabasa rin tayo ng bibliya upang gabay natin sa ating buhay. Nagdadasal rin tayo tuwing umaga gamit ang ating rosaryo. Kapag may problema, sa Diyos tayo lumalapit sa pamamagitan ng matimtim na pagdarasal.


                                          

   PAGGALANG O RESPETO

Simula pagkabata ay tinuturuan na tayo ng ating mga magulang na magsalita ng "po" at "opo" kapag tayo ay nakikipagusap sa mga nakakatanda. Ang pagmamano ay dapat ding panatalihin dahil nagpapakita din ito ng respeto at pagpapahalaga sa matatanda. Kailangan din nating gumamit ng mga magagalang na pantawag katulad ng "ate", "kuya", "tito", "tita' iba pa. Kapag dadaan ka sa isang daan na may naguusap ay matutong magsabi ng "makikiraan lang po" at sabay yuko. Matuto ring gumamit ng "paki" at "maki". Sumunod rin tayo sa mga utos ng ating mga magulang at sa iba ring mga nakakatanda. 


 PAGBABAYANIHAN

 Ang bayanihan ay isang katagang Pilipino na nagmula sa salitang “bayan” na maaaring tumukoy sa isang komunidad. Ang salitang bayanihan ay tumutukoy naman sa pagkakaisa ng isang komunidad para sa isang layunin.


            

 MASAYAHIN

Kahit May problema ang isang pinoy hindi sa kanya nawawala ang maging masayahin , kahit ito ay May problema May pagsubok ika nga ng iba "tawanan mo lang ang Problema". Kahit sa internet hindi nawawala ang pagkamahiyain ng isang Pinoy nandyan ang "hahahahah" at "hehehehehe" minsan pa nga May emoticon pa

PAGTANGGAP NG BISITA O PANAUHIN


Isa sa mga katangian ng mga pilipino ay ang pagtanggap sa bisita. Dito natin naipapakita ang pagtanggap sa kanila, ang kadalasang bumibisita ay ang kaibigan, kamag anak,kapit bahay. Sila ay pinagsisilbihan bilang bisita para bigyan paggalang o mainit na pagtanggap. 


MGA PISTA AT MGA PAGDIRIWANG SA PILIPINAS

PISTA NG ATI - ATIHAN


 PISTA NG PANAGBENGA

PISTA NG SINULOG

PISTA NI SAN JUAN BAUTISTA


 ANG MGA KASUOTAN NG MGA PILIPINO


Ang mga pilipino ay isa rin malikhain pati sa pananamit kaya ang ibang Pinoy kabilang mga katutubo ay nakakalikha ng iba't ibang disenyo sa damit. Ito ang ilang halimbawa.

BARONG TAGALOG
Nagmula ang tradisyunal na kasuotan na ito mula pa noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Isang karaniwang teoriya sa pinagmulan ng barong ang matukoy ng mga Kastila ang kaibahan ng mga katutubong Pilipino sa mga namamayaning uri sa pamamagitan ng pagsuot ng barong na hindi nakasuksok sa pantalon. Pangkaraniwan sa Barong, ang pagkakagawa nito sa manipis na tela sa kadahilanang madaling makikita ng mga Kastila na walang dalang sandata ang mga nagsusuot nito.


BARO'T SAYA


ay ang pambansang kasuotang pambabae ng Pilipinas na binubuo ng manipis at binurdahang pang-itaas, at palda o saya na makulay at kadalasang guhitan. Gamit ang bakya bilang sapin sa paa, ang mga kababaihang nagsusuot nito ay may hawak ding abaniko upang gawing pantakip sa kanilang mukha o kaya'y sa kanilang dibdib. Ang pagsusuot nito ay alinsunod sa utos ng mga Espanyol na takpan at damitan ang hubad na katawan ng mga katutubo, lalo na ng mga kababaihan, sa kanilang pagdaong sa bansa.  

MGA MAKASAYSAYANG LUGAR SA PILIPINAS

   Fort Santiago
 Rizal Park
   Bahay ni Emilio Aguinaldo
  Simbahan ng Barasoain
  Krus Ni Magellan


Ang mga Kasabihan at pamahiin ng mga Pilipino




Ang paglalagay daw ng sinulid sa noo ng sanggol ay nakakatulong upang mawala ang sinok

 - Himasin ang ilong ng sanggol para tumangos.

-Huwag dapat batiin ang bata baka mausog.

-Hindi pwedeng magbiyahe ang bagong kasal dahil malapit sila sa disgrasya.

-May mangyayaring masama sa iyo kapag may dumaan na itim na pusa sa daraanan mo kung kaya naman dapat lumihis ng daan upang maiwasan ang disgrasya o huwag nang tumuloy sa dapat puntahan.

-Ang batang may dalawang puyo ay magiging matigas ang ulo at makulit.

-Kumatok sa kahoy kapag nagsasalita ng mga bagay na hindi maganda sa isang tao upang hindi magkatotoo ang iyong mga sinabi.

-Masamang maduling-dulingan o paglaruan ang iyong mata dahil baka mahipang ng hangin at hindi na bumalik sa dati ang iyong mga mata.

Sikat na Pagkaing Pinoy
Ang mga pagkain ng mga Pinoy ay nanggaling sa iba't ibang kulturang pagkain ng dayuhan na sumakop sa atin, ngunit May mga pagkain din naman na sariling gawa natin.

 Adobo
Sinigang
Mga Kakanin
Kamote Cue
Turon
Lugaw

Sopas
Kare - Kare
Bulalo


"Ngayon nalaman mo na ang kagandahan ng ating Kultura at Tradisyon kaya dapat natin ito pangalagaan at Ingatan dahil ito ang ating ipapamana sa susunod na henerasyon. kaya Ating Tangkilin at alalahanin ang sariling atin."


"Salamat sa Pagtangkilik sa aming Blog

Sana'y inyong nagustuhan!"

 
                                               - Grupo Ni Naces











Ang Kultura at Tradisyon Sa Pilipinas

     Ang Pilipinas ay may  7,641  na pulo sa kabuuan nito. Ang Pilipinas ay magtatagpuan sa Timog-Silangang Asya at ito ay nahahati sa t...